TAG-ULAN

“Ang lakas ng ulan sa labas ah!”

Bigla akong nabuhayan sa sigaw nung kasamahan ko. Napalingon sa direksyon ng bintana, pero hindi ko pala kita mula sa kinauupuan ko. Kaya dali-dali akong tumayo at pumunta sa may hagdanan, yung sa malaking hagdanan pababa ng lobby. Gawa sa salamin ang buong dingding dun mula kisame pababa, kaya malamang makikita ko mula doon.

“Ang lakas nga,” napangiti ako. Sa wakas andito ka na rin ulan! Hehe. Akala ko matagal pa bago ako makakaranas ng lamig. Pa’no ba naman kasi nitong mga nakaraang linggo eh nakamamatay ang init sa labas. Parang gusto kong maligo oras-oras dahil sa sobrang banas. Pero ngayon, andyan na ang ulan. At mukhang binuhos na ng langit lahat ng hindi nito naibuhos nung nakaraang mga buwan. Anlakas kasi ng isang ‘to.

Pero teka, sobrang napalakas naman yata ang unang pagbati ng tag-ulan. Hindi naman sa nagrereklamo ako ha. Kung tutuusin masaya ako dahil matagal ko na pinagdadasal to. Pero napansin ko lang kasi, tanghaling tapat pa lang pero halos wala na akong makita sa labas dahil sa lakas ng buhos. Parang puti lang lahat sa labas. Naalala ko tuloy yung snow nung nagbakasyon ako sa Korea.

Marahil ay dito na kami matutulog neto maya-maya. I-text kaya kita para dito ka na rin matulog. Papayag naman siguro si boss. kakaibang lakas nitong ulan ngayon kaya malamang papayag ‘yun. Oo nga! Magandang ideya yun. Ang sarap matulog nito mamaya. Malamig ang panahon, tapos kayakap pa kita dito sa hotel. Ang galing ko talaga! Nakaka-excite to.

Sige, tatawagan nalang kita para mas mabilis. Teka, san na ba ‘yung cellphone ko?

San ka kaya ngayon? Nasa apartment ka ba? O baka nasa labas naghahanap na naman ng ma-aapplyan ng trabaho. Ilang buwan na rin kasi simula nung nag-resign ka sa huli mong trabaho. Kaya lalo kang naging pursigido sa pag-aapply. Alam kong kahit hindi mo sinasabi eh nahihiya ka sa’kin. Napapansin ko nitong nakaraan pag kumakain tayo sa labas ang inoorder mo lagi ay yung pinakamura, kasi alam mo na ako na naman magbabayad. Ako na nga sumasalo ng upa sa bahay, ako pa rin pati sa pagkain nating dalawa. At alam ko rin na napapansin mo na na kahit hindi ko sinasabi eh medyo nahihirapan na rin ako sa pagba-budget. Kaya hangga’t maaari ay iniiwasan mo na napapagastos ako para sa atin. Kahit kelangan.

Kahit lagi kong sinasabi sayo na okay lang yun. Na ngayon lang naman ‘to, pag nakahanap ka na ulit ng trabaho, makakaraos na ulit tayo. Makakapag-ipon na ulit tayo para sa susunod nating byahe. Kelangan masundan na yung Boracay at Singapore natin. Hehe…

Asan na ba yung cellphone ko? Gusto na kitang masabihan para makapaghanda ka na ng gamit natin pang-overnight. Hehe… Ayun! Nasa bag ko lang pala.

*RRRRING. . . RRRRII–

“Hello Bhebhe?”

Natutuwa talaga ako pag naririnig ko ang boses mo. 🙂 Palaging may lambing. Pero parang antagal ko nang hindi narinig ang boses mo ah. Teka, matagal na ba tayong hindi nag-usap? Kelan ba tayo huling nagkita? Napapaisip tuloy ako.

“Hello Ga, asan ka?”

“Bhe, sorry Bhe…”

“Asan ka ga?”

“Bhe patawarin mo ako, Bhe…” -Huh?

“Patawarin mo ako, Bhe. Hindi kita makakalimutan.” -Parang timang, anong pinagsasabi neto.

“Ha? Bakit mo sinasabi yan?”

“…”

“Ga, anong sinasabi mo? Iiwan mo na ba ako, ga?”

“Mahal na mahal kita, Bhe.”

“Mahal na mahal din kita, Ga,” naiiyak na ako. Kinakabahan ako dito ah.

“Huwag mo akong iwan, Ga. Kaya natin ‘to. Mahal na mahal kita, Ga.”

*CLICK*

Anong nangyari? Nasa’n ako?

Bakit ako nandito ako sa silid na to? Ang daming kalat ah, parang matagal nang hindi nalilinis ang kwartong ‘to. Alas-tres na pala ng madaling-araw. Parang kilala ko yung orasan na ‘yun. Teka, orasan ko yun ah… Puta, kwarto ko pala to! Anong ginagawa ko dito?

PUTA, oo nga pala. Hindi ko na napigilan, bigla akong nagngawngaw sa pag-iyak.

Kaya pala. Limang buwan na rin pala ang nakalipas. Simula nung araw na ‘yon, nahihirapan akong alalahanin ang boses mo. Simula no’ng pumanaw ka, ni minsan hindi ka nagparamdam sa akin.

Ngayon lang.

Salamat, Ga. Salamat at narinig ko ulit ang boses mo. Salamat at sinagot mo ang tawag ko. Mahal na mahal kita.

 

 

Happy Birthday, Ga.

 

 

 

 

 

 

 

Tara, alak?

Tara, alak?

 

 

Photo on 3-23-13 at 7.59 AM

Photo on 3-23-13 at 8.02 AM

Photo on 3-23-13 at 8.00 AM

Photo on 3-23-13 at 8.02 AM #2

Photo on 3-23-13 at 8.01 AM

 

 

Photo on 3-23-13 at 8.00 AM #2

 

Advertisements

About lonewulf

I am a self-confessed 'jologs', a country boy who now works in the big city. I studied Applied Math, and am now completing Finance while working as a risk analyst. I feel extremely happy whenever I dance, draw/sketch, and write. I also like to read books, eat (not fruits, or vegetables), sleep, and travel.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: